Bahay ni Marta ni Ricky Lee available here at Avenida

Bahay ni Marta (old stock)

Regular price
₱200.00
Sale price
₱200.00
Regular price
Sold out
Unit price
per 

Ricky Lee

Laging kagila-gilalas kung magkuwento si Ricky. Kanyang-kanya lamang ang hapay ng naratibong hinuhubog ng kanyang imahinasyon. Halimbawa, sa "Bahay ni Marta" inihaharap tayo sa kuwentuhan ng isang matandang bahay at isang ulilang batang tabingi ang mukha. Aakalain mong nagbibiro ang kuwentista, at tayo ay inaanyayahan sa isang kakatwang drama, na wari'y komiks ang patutunguhan. Pero habang pumapalaot tayo sa mga uli-uli ng istorya ni Marta, Tomas, Badong at Joaquin, nakakaramdam tayo ng siklot at sikdo ng mga emosyon at pagtuklas na hindi natin nawari sa simula na hinahabi pala ng awtor.

Sa mga kapanahong manunulat ni Ricky, ang pagsasalaysay ay karaniwang nakatuon sa mga pangyayari sa buhay na wari baga'y mga aktuwal na tao ang gumaganap. Sila ay hinubog ng naging kairalan noong Realismo na ang hangad maipadanas sa mambabasa ay ang latay mismo ng aktuwal na buhay, gaano man iyon kasaklap o kasarap. Nalampasan na ni Ricky ang ganoong pag-akda, at ito ang dahilan kung bakit ang mga tauhan at ang sinasabi ng kanyang mga kuwento ay patuloy na nakakaagapay sa kiliti at imbay ng mga kabataan sa bagong panahon.

- Bienvenido Lumbera
National Artist for Literature