by Chuckberry Pascual
Nagbabalik si Bree, ang Imbestigador ng Talong Punay, para lutasin ang dumaraming kaso ng mga nawawalang tao sa kanyang barangay. Sa kanyang paghahanap, matutuklasan niya ang Swalla, isang relihiyosong grupo, at ang kaugnayan nito sa mga pagkawala. Kasabay nito, makakatagpo siya ng bagong taong muling magpapaalab sa kanyang puso.
Darkly comic, sharply observed, and perfectly pitched to capture the living language of our times, Chuckberry J. Pascual’s Ang Nawawalang Barangay explores the politics of despair and disempowerment, the dark allure of religion and social media, and the necessity of resisting the angels when they whisper, “Swalla. Sa wala tayo nagmula at sa wala rin babalik.” -Caroline S. Hau
Gumagala-gala rin doon ang gaya ni Bree, baka hindi mo lang napapansin. Sumisilip-silip din sa labas ng parlor. Nagsisiyasat. Nagmamatyag sa inyong lugar tungkol sa mga Baby Gerl at huwad na pinunong gaya ni Kapitan at Kagawad Wan. Alam na alam kong si Chuckberry Pascual lang ang may kakayahang magkuwento ng ganito. -Joselito D. Delos Reyes
Size: 5.5" x 8.5"
Pages: 246 pages
ISBN: 978-6218264-35-9
Category: Novel - crime, suspense, humor, queer