Ilumirencia
Ilumirencia
Ilumirencia
Ilumirencia
Ilumirencia
  • Load image into Gallery viewer, Ilumirencia
  • Load image into Gallery viewer, Ilumirencia
  • Load image into Gallery viewer, Ilumirencia
  • Load image into Gallery viewer, Ilumirencia
  • Load image into Gallery viewer, Ilumirencia

Ilumirencia

Regular price
₱190.00
Sale price
₱190.00
Regular price
Sold out
Unit price
per 

ni Erik Guzman Pingol

‎Isang gabi ng tag-init, nasaksihan ng magkapatid na Violeta at Lila ang isang kakatwang ritwal ng mga alitaptap, at matapos ito’y natagpuan nila ang isang binatang nakahandusay sa gitna ng bukirin—si Luminado, na tinawag sa maraming pangalan: Nadong Tamad, Nadong Walang Bayag, Nadong Walang-kuwenta. At kung paanong hininog at binalatan ng bawat pagbabago ng panahon ang kani-kanilang kabataan, lalo namang kumapal ang tilas ng misteryo ng katauhan ni Nado. Mula sa mga sálitang habi ng pagtakwil, ligaya, pag-alipusta, ani, hanggang sugat ng mga duda, hahamunin ng pagkakataon ang hangganan ng kayang ibigay ni Vio sa kanyang tinatanging kapatid. Hanggang sa madidilim na hukay ng buhay at kaluluwa. Hanggang sa mga mapang-akit na ningas na tutupok sa kanila.
‎
‎Mula kay Erik Guzman Pingol, awtor ng Agaw-Anino, Garapitik, Kung May Sining sa Pagkabulok, atbp.

Size: 4.5" x 7"
Pages: 74 pages
ISBN: 978-6218264-59-5
Imprint: Eskinita - short novel, love story, queer, fantasy, societal taboo