Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar

Walong Diwata ng Pagkahulog

Regular price
₱400.00
Sale price
₱400.00
Regular price
Sold out
Unit price
per 

Edgar Calabia Samar

 

Siya si Ayel sa mga nagpalaki sa kaniya, tulad ng Tito Tony at Lola Bining niya. O ang Atisan Boy sa mga kababata niyang sina Glen, Michael, at Erik. Siya rin si Delka Linar,ang kinarambolang buo niyang pangalang Karl Daniel, na itinawag niya sa akala niya'y inimbento lang niyang kaibigang duwende. At si Arcangel na bida sa isinusulat niyang nobela. Sa mga panaginip niya, siya si Karl, at Karl Kabute naman para kay Teresa, ang babaeng nakakabasa ng isip kapag gabi, dahil basta-basta raw siya lumilitaw at  basta-basta rin nawawala. Pero para sa iba pang minahal niya pero di naman siya kilala talaga, tulad ni Orange, ang isa sa triplets na anak ng magpuprutas sa San Pablo, basta siya si Daniel. Sa isang banda, isang nobela ito tungkol sa paghahanap ng pagkatao sa harap ng pagtatangkang magsulat ng nobela. Pero kuwento rin ito tungkol sa pagtitimbang sa halaga ng mga nawala, nawawala, at wala naman talaga sa buhay natin kahit pa sa simula't simula.