Ang buhay sa peligrosong kalsada ay hindi para sa mahina. Para sa ilang kabataang drag racer, ang hari ng daan ay pinagpapasyahan sa pangangarera sa Highway C-5. Sa kasamaang palad, ang tuluy-tuloy na tagumpay ng isang karerista ang nagsilbing mitsa ng buhay ng ilang manlalaro.
Nang matagpuan ang mga kakaibang bakas ng hayop sa bawat nasirang sasakyan, alam ni Alexandra Trese na wala nang iba pang dapat gawin kundi tahakin ang kalsada at habulin ang mga kasagutan hanggang sa dulo ng daan.
Ang TRESE ay likha nina Budjette Tan at Kajo Baldisimo
Salin sa Filipino ni Bob Ong