It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig Sa 2012 ni Eros Atalia
It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig Sa 2012 ni Eros Atalia
It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig Sa 2012 ni Eros Atalia
  • Load image into Gallery viewer, It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig Sa 2012 ni Eros Atalia

It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig Sa 2012

Regular price
₱200.00
Sale price
₱200.00
Regular price
Sold out
Unit price
per 

Eros Atalia

Noong bata pa si Intoy, problema niya lang kapag may nakikialam sa kanyang pag-iisa. Noong elementary, kung kanino pa siya makapanghihiram ng komiks, at kung paano niya imamasaker ang mga langgam sa bakuran nila. Noong high school, problema niya kung paano ibuod ang bawat kabanata ng Noli at Fili nang hindi magagalit ang mga teacher niya kasi nagdaragdag siya ng kwento; at ang relasyon ng coordinates, Cartesian plane at chemical bonding. At noong college, kung paano mapapagpasensyahan ang mga prof niya, mapagkasya ang baon, at ang pagbili ng secondhand books. Saka si Jen—ang pinakamasaya't pinakamaganda niyang pinroblema.

Ngayon: kaligayahan, katahimikan, trabaho, kaopisina, boss niya, boss ng boss niya, si Tina, at syempre si Jen at... sige na nga, world peace.

Quiz:
Get 1/4 sheet of pad paper. Pangatwiran kung alin ang di dapat kasama sa mga nasa sumusunod: Atlantis, Lemuria, Alien, Benson, Global Warming, End of the World, 2012, Hen, Tina at Into.

Isulat ang sagot sa likod ng isinauling sulating pormal. Lakipan ng papel ng shawarma. Ihulog sa tambyolo sa pinakamalapit na tinadahan. Ang mapalad na mabubunot, gagawing official representative ng planet Earth para sa Search for Ideal Intergalactic Personality.