Aba! Nag-review ka na ba? ABNKKBSNPLAKo?! Game Edition ni Bob Ong
Aba! Nag-review ka na ba? ABNKKBSNPLAKo?! Game Edition ni Bob Ong
Aba! Nag-review ka na ba? ABNKKBSNPLAKo?! Game Edition ni Bob Ong
  • Load image into Gallery viewer, Aba! Nag-review ka na ba? ABNKKBSNPLAKo?! Game Edition ni Bob Ong
  • Load image into Gallery viewer, Aba! Nag-review ka na ba? ABNKKBSNPLAKo?! Game Edition ni Bob Ong
  • Load image into Gallery viewer, Aba! Nag-review ka na ba? ABNKKBSNPLAKo?! Game Edition ni Bob Ong

ABA! Nag-review ka na ba?

Regular price
₱400.00
Sale price
₱400.00
Regular price
Sold out
Unit price
per 

Bob Ong

Sino sa mga teacher mo ang hindi mo malilimutan?

Sa loob ng higit isang dekada ng libro kong ABNKKBSNPLAko?!, isang reaksyong pinakamadalas kong matanggap sa mga mambabasa ay ang kagustuhang makapagkwento ng sarili nilang mga karanasan sa eskwelahan. Dahil kung nakakatuwa at may matututunan sa mga pinagdaanan ko bilang mag-aaral, malamang marami rin sa karanasan ng iba. At bagama’t hindi lahat ay may pagkakataon na magsulat ng libro, hindi dapat maging limitado ang mga sandaling maaaring makipagpalitan tayo sa iba ng kwento.

Paano mo napili ang mga eskwelahang pinasukan mo?

Narito ang larong ABA! na hango sa tema ng ABNKKBSNPLAko?!. Isang makabuluhang pampalipas oras upang mas makilala ang sarili at iyong mga “kaklase” sa paaralan ng buhay. Naglalaman ito ng mga tanong na sasagutin, pagsasaluhan, pag-iisipan, pagtatalunan, pagtatawanan, at maaaring pag-ugatan ng iba pang tanong. Simple lang ang pakay: masayang kwentuhan. Pakikipagkapwa-tao sa paraan ng pakikipag-usap.  Pagpapalitan ng mga saloobin at opinyon, takot at tuwa, karanasan at pangarap, tagumpay at luha, galit at ilang katotohanan na medyo kahiya-hiya.

Ano ang huling libro na binasa mo at tungkol ito saan?

Umalis muna sa internet, patayin sandali ang TV at aircon, lumayo sa computer at cellphone, kalimutan ang inbox at updates, at makipagkwentuhan na parang brownout lang. Personal na makipaglaro sa mga tao sa tunay na buhay tungkol sa mga totoong bagay. Lumabas ng mall. Yayain ang mga kaibigan. Pumwesto sa ilalim ng puno o saan mang may lilim. Kilalanin nang may lalim ang mga tao sa paligid mo. At sorpresahin ang sarili sa pagtuklas sa totong ikaw!

ABNKKBSNPLAKo?! Game Edition
*Box contains ABA! booklet of game rules & questions and 300 pieces of Quiz and Recitation cards.

Want freebies?
Get the FREE limited edition 56 ni Bob Ong Mini Notebook exclusively when you buy anything worth P500 or more* and pay via bank deposit or Gcash/PayMaya Instapay.

(*P500 or more worth of purchases excluding shipping fee. One per Order Number.)